Letter for Juan Tamad

I wanna write to you!

Yes you-Juan Tamad, Ikaw na palaging nakababad sa computer at walang ginawa kundi mag update ng status, manuod ng videos or maglaro ng clash of clans sa cellphone. Hindi ko alam kung saan ka ipinaglihi dahil yung puno na hinihintayan mong magbagsak ng bunga sa bunganga mo ay ilang beses na naglaglag ng bunga. Kung sampung dekada ka hihilata sa ilalim ng puno ay malamang naka ilang bukol ka nadin sa ulo.

Hindi ko din alam kung san ka nakakuha ng pambili ng cellphone, damit or pang-yosi, wala ka namang trabaho, malamang ay galing yan sa pinaglumaan at barya-barya ng mga kapatid at tatay mo. Hindi ko alam kung balak mo ba maging basurero or taga linis ng poso negro. Actually, Maiigi pa sila ginugustong kumita ng pera. Ikaw, mas gugustuhing humilata at maghintay ng grasya sa iyong kapatid o nanay na nagtatrabaho.

Bata palang ako pinaguusapan ka na sa eskwelahan, hindi ka ba naaapektuhan sa iyong paligid na ang tingin nila sa iyo ay walang kwenta at palamunin? Bata palang ako noon, Bente Sais na ako ngayon. Ngayon nakakabili nako ng sarili kong mga gamit. Ikaw? lahat bigay padin at lahat asa padin sa mga magulang? Aba! gusto ko sanang sabihin na hindi pa huli ang lahat pero wag mo naman hintayin na maging huling pagkakataon na yan at ubos na pasensya ng mga tao na tumutulong sa iyo.

Hindi ko nga alam kung pano ka nakakatulog na alam mong sa edad mong yan eh pabigat ka padin. Pilit kang tinutulungan ng mga tao sa paligid mo pero ang sarili mo ay hindi mo magawang tulungan. Para bang pag sumunod ka eh para pa sa ikabubuti nila at naghihintay ka pa ng kapalit.

Kung yayaman ka lang sana sa magharap sa computer, sana bilyonaryo kana. Kung masipag ka lang magtrabaho gaya ng kasipagan mo sa pag meet ng ka-grinder or ka-tinder mo. Siguro may sarili ka ng kumpanya. Lalab life ka pa wala ka na nga sariling pang-kain! akalain mo yun!

Alam mo naman na kaya mo eh.

Pero bakit wala kang pangarap? Dahil ba nakakakain ka padin at may maayos na tirahan kahit na hindi ka nagtatrabaho? Ang swerte mo naman… mas maswerte ka pa sa prinsipe ng Brunei. Kung lahat ng tao kagaya mo eh di sana maging Tamad nalang tayong lahat! Pero sana magbago kana, kasi pag nawala lahat ng tao sa paligid mo wala ka ng magagawa kundi magsikap para sa sarili mo. Kaya simulan mo na ngayon, kesa, lalo kang maghirap at wala ng tutulong sayo.

One thought on “Letter for Juan Tamad

Leave a comment